Saturday, June 11, 2011

CALAPE BOHOL, pinanggalingan nang pangalan

Ang orihinal na pangalan ng Calape ay nagsimula noon pang 1802 sa panahon pa nang unang pagdating nang mga Kastila sa Isla ng Bohol.

Sa talaan ng kasayasayan, isinasaad doon na sa pagdating palang ng mga Kastila sa lugar ay mayroon na itong matatag na komunidad na kinabibilangan ng mga taga nayon na naka grupo bilang isang baranggay.

Isang araw may isang Kastila na nakakita nang isang katutubong taga nayon na nagpuputol ng isang uri ng halaman na tinatawag na "Cape" na sagana rin sa lugar na iyon. Ang Kastila ay nagtanong sa katutubo kung ano ang pangalan nang lugar na kanilang sinasakopan. Sa dahilang hindi naunawaan ng katutubo ang salitang ginamit ng Kastila at sa pag-aakala na ito ay nagtatanong ukol sa halaman, hindi na nag-atubili ang katutubo na ibigay ang pangalang "Ca'pe".

At sa taong lumipas, ang pangalang "Cape" ay napalitan ng "Calape" na hanggang ngayon ay sya ring opisyal na pangalan ng lungsod.


Source: Compilation of Towns in Bohol
             Bohol Public Library
  Translated by: B.A.

No comments:

Post a Comment